MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd week of November 2025)
Published date: Nov 17, 2025
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd week of November 2025)

Ang Department of Local and Interior Government (DILG) kasama ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nanguna sa ikatlong Lunes ng pagtataas ng watawat sa Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, kasama ng buong Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Department and Unit heads, at Municipal Employees.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Nocon ang kanyang pasasalamat at pagmamalaki sa mga natanggap na parangal at pagkilala ng Bayan ng Los Baños bilang patunay ng patuloy na kahusayan at dedikasyon nito sa serbisyong pampubliko. Ang mga karangalan na tinanggap ng Bayan ng Los Baños ay ang PH Model Municipality (1st Runner-Up), Eco-Friendly Champion, Education Hub Champion, Sustainability Champion, Tech Territory (2nd Runner-Up), at Emergency Disaster Management Excellence (2nd Runner-Up) na iginawad sa ilalim ng Philippine Model Cities and Municipalities Awards 2025 ng The Manila Times na ginanap nitong Nobyembre 14, 2025 sa Manila Hotel.

Ibinahagi naman ni MLGOO Michiko R. Escalante na muling kinilala ang Bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) Award. Bukod dito, tumanggap din ang Pamahalaang lokal ng Certificate of Recognition mula sa DILG Region IV-A kamakailan bilang pagkilala sa natatanging pagsisikap nito sa pagsusulong ng transparency, accountability, at kahusayan sa pagpapatupad at pagsubaybay ng mga Locally-Funded Projects (LFPs) sa ilalim ng SubayBAYANI System. Si MLGOO Escalante ay pinarangalan din bilang isang exemplar DILG Field Officer. Ipinahayag naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ang Los Baños Municipal Jail ay ginawaran bilang Best Municipal Jail, kasama ang pagkilala bilang 2nd Best Municipal Jail Warden (JCINSP Charles Kenneth M. Maquera), Best in Logistical Innovation, at Best Management Screening and Evaluation Committee (MSEC) – Type C, sa ginanap na 3rd Quarter Management Conference of BJMP IV-A noong Nobyembre 3, 2025 sa Calamba, Laguna.

Ang mga natanggap na parangal at pagkilalang ito ay patunay ng kolektibong dedikasyon at malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa mamamayan. Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang mga ito upang higit pang paigtingin ang tapat, mahusay, at makataong pamamahala tungo sa mas umaabanteng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 586 Total Views

Related:


;