Philippine Model Cities and Municipalities Awards recognized Los Baños for multiple achievements (November 14, 2025)
Isang maalab na pagbati sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pagkamit ng mga karangalang nagpapatunay sa patuloy na pagsulong ng bayan bilang isang tunay na Special Science and Nature City.
Kabilang sa mga parangal na iginawad sa Los Baños ay ang:
-
PH Model Municipality – 1st Runner-Up
-
Eco-Friendly Champion
-
Education Hub Champion
-
Sustainability Champion
-
Tech Territory – 2nd Runner-Up
-
Emergency Disaster Management Excellence – 2nd Runner-Up
Ang mga pagkilalang ito ay iginawad ng The Manila Times sa pamamagitan ng Philippine Model Cities and Municipalities Awards na ginanap noong Nobyembre 14, 2025 sa Manila Hotel. Kinilala sa naturang okasyon ang mga natatanging Local Government Units na patuloy na nagpapakita ng mahusay na pamamahala at inobasyon sa pagpapaunlad ng kanilang mga komunidad.Tinanggap ni Ms. Edmarie Calungsod, OIC–Los Baños Tourism Office, ang mga parangal bilang kinatawan ng Pamahalaang Bayan.
Ang mga tagumpay na ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng lokal na pamahalaan at mamamayang Los Bañense sa pagsusulong ng isang mas maunlad at matatag na bayan. Mabuhay ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ang bawat Los Bañense!
#PhilippineModelCitiesAndMunicipalities
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
