Business Permits and Licensing Office (BPLO) meeting for the enhancement of Business One-Stop Shop (BOSS) at Los Baños
Isinagawa nitong Nobyembre 14, 2025 (Biyernes) ang malawakang pagpupulong ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Bayan ng Los Baños upang paghandaan ang Business One-Stop Shop (BOSS) para sa taong 2026. Sentro ng talakayan ang patuloy na streamlining o pagpapadali ng mga proseso sa pagkuha ng business permits, gayundin ang paggamit ng makabagong e-BOSS platform na magbibigay-daan sa mas mabilis at digital na aplikasyon para sa mga negosyante.
Dumalo at nakibahagi sa aktibidad ang mga Municipal Department Heads at staff, pati na rin ang mga Barangay Treasurers, ilang Barangay Captains, at mga Kagawad, na sama-samang nagbigay- kanilang pananaw at suporta upang masiguro ang maayos, episyente, at mas inklusibong serbisyo para sa mga negosyante at mamamayan ng Los Baños.
Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, muling pinagtibay ng Los Baños ang pangako nitong maghatid ng serbisyong mabilis, maaasahan, at tumutugon sa pangangailangan ng bawat negosyante. Patuloy na nagsusumikap ang lokal na pamahalaan na lumikha ng mas modernong sistema na hindi lamang nagpapagaan ng proseso, kundi nagbubukas din ng mas maraming oportunidad para sa pag-unlad ng buong bayan.
#BPLOmeeting
#eBOSSLosBaños
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
