Memorandum of Understanding (MOU) signing in Los Baños enhanced work immersion opportunities for Senior High School Students (November 14, 2025)
Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Vice Mayor Marlo Pj Alipon at miyembro ng Sangguniang Bayan, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang Memorandum of Understanding (MOU) Signing noong ika-14 ng Nobyembre 2025 kasama ang Department of Education- Los Baños (DepEd) para sa pagpapatibay ng Work Immersion Partnership. Layunin nitong mas mapalawak ang oportunidad ng mga mag-aaral na magkaroon ng praktikal na karanasan sa mundo ng pagtatrabaho, bilang paghahanda sa kanilang mga tatahaking karera. Dumalo at lumagda sa kasunduan ang mga kinatawan mula sa apat na paaralan: Bambang Senior High School (Principal: Mr. Arvin C. Diamante; Work Immersion Focal Person: Mr. Neil Efraim A. Tandang), Lalakay Senior High School (Principal: Ms. Marian O. Fermin; Focal Person: Mr. Angelo S. Gaba), Los Baños Senior High School (Principal: Mr. Menandro A. Zubieto; Focal Person: Ms. Evangeline S. Austria), at Tuntungin-Putho Integrated National High School (OIC Principal: Ms. Soledad S. Villanueva; Focal Person: Mr. Gaspar Howell F. Minga).
Sa ilalim ng kasunduang ito, mas paiigtingin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at DepEd upang matiyak na ang mga kabataang Los Bañense ay magiging handa, may kasanayan, at kumpiyansa sa pagharap sa mga hamon ng trabaho at propesyon. Isang mahalagang hakbang ito sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lokal sa dekalidad na edukasyon at sa paghubog ng mga estudyanteng handang makilahok sa makabagong mundo ng paggawa. Sama-sama nating isulong ang mas maliwanag at matatag na kinabukasan para sa ating mga kabataan.
#WorkImmersionPartnership
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
