MENU
Philippine Standard Time:
Annual Budget Hearing for FY 2026 strengthened fiscal planning in Los Baños (November 11-12, 2025)
Published date: Nov 14, 2025
Annual Budget Hearing for FY 2026 strengthened fiscal planning in Los Baños (November 11-12, 2025)

Isinagawa nitong Nobyembre 11–12, 2025 (Martes at Miyerkules) sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Los Baños ang Annual Budget Hearing para sa Fiscal Year 2026. Pinangunahan ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, at ni Konsehal Miko Pelegrina bilang Committee Chair on Appropriation and Local Finance Committee ang pagdinig, na sinuportahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Aktibo at masusi ang kanilang naging talakayan hinggil sa mga panukalang pondo para sa mga programa, proyekto, at serbisyong ilalatag ng Pamahalaang Bayan sa susunod na taon.

Tinalakay at sinuri ang paglalaan ng pondo para sa serbisyong pangkalusugan, edukasyon, imprastraktura, kabuhayan, pangkalikasan, at iba pang inisyatibang nakatuon sa kapakanan ng bawat Los Bañense. Matapos ang dalawang araw na deliberasyon, pormal nang inaprubahan ang Annual Budget para sa Fiscal Year 2026.

Sa pamamagitan ng bukas na diskusyon at maayos na pagpaplano, ipinapakita ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang malinaw na direksyon tungo sa isang mas maunlad, episyente, at inklusibong bayan. 

#BudgetHearingFY2026

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 596 Total Views

Related:


;