MENU
Philippine Standard Time:
Sports Incentives Awards 2025 highlighted athletic excellence and dedication in Los Baños (November 13, 2025)
Published date: Nov 13, 2025
Sports Incentives Awards 2025 highlighted athletic excellence and dedication in Los Baños (November 13, 2025)

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO), ang Los Baños Sports Incentives Awards nitong Nobyembre 13, 2025 (Huwebes) sa Municipal Conference Room. Layunin ng nasabing programa na kilalanin at parangalan ang mga atletang Los Bañense na nagpakitang-gilas sa iba’t ibang larangan ng sports ngayong taon. Ginawaran ng bronze, silver and gold medals ang mga exemplary athletes ng ating bayan sa Arnis, Wushu, Tennis, Chess, 8-Ball Billiards, at Baseball, bilang pagkilala sa kanilang husay, sipag, at dedikasyon:

 

✔️Arnis:

🥇: Keyshia N. Alvarez, Hannah G. Banaagua, Nathalie Shane J. Gojit, Princess Niña R. Manzanilla

🥈: Joshua V. De Leon, Draven Rhymes C. Almeyda, Arianne H. Quilloy

🥉: Alec Satchi E. Bustonera

 

✔️Wushu:

🥇: J-Hanna Marie B. Balbarez, Neil Raizen B. Jimenez

🥈: Michael Angelo A. Turbela

 

✔️Tennis:

🥇: Djokovic A. Garcia, Drake A. Garcia

 

✔️Chess:

🥇: Joana Lawas

 

✔️8-Ball Billiards:

🥇: Jorzen R. Mendoza

 

✔️Baseball:

🥇: Mico D. Atanacio, Jan Thomas F. Borinaga, Nate Rayleigh M. Canlas, Justin Ron S. Catapangan, Marcky T. Cerojano, Francis Mateusz D. Deomano, Rhod Andrey D. Divino, Axl John M. Fallorina, Martin R. Olivares, Kyle C. Parungao, Rikkssiru Eoj M. Seban, Rey Iverson D. Sequijor

 

Sa pamamagitan ng ganitong inisyatibo, naipapakita ang malalim na pagpapahalaga ng Pamahalaang Lokal sa kontribusyon ng mga atletang Los Bañense sa pag-angat ng dangal at pangalan ng bayan. Sa pagpapatuloy nito, layunin ng Los Baños na higit pang paigtingin ang suporta sa mga atletang kabataan, palakasin ang sports development initiatives, at patuloy na maglinang ng mga kampeon na may puso, disiplina, at pagmamahal sa bayan.

 

#LBSportsIncentivesAwards

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 796 Total Views

Related:


;