MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños reinforced child protection advocacy during National Children’s Month Celebration (November 12, 2025)
Published date: Nov 13, 2025
Los Baños reinforced child protection advocacy during National Children’s Month Celebration (November 12, 2025)

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month na may temang “Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (OSAEC-CSAEM) Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban”, nitong Nobyembre 12, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Multipurpose Hall.

Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang panunumpa ng mga hinirang na mga bagong Municipal Children’s Association Officers sa bayan ng Los Baños. Sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ay napalawak naman ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa mga panganib ng OSAEC-CSAEM at naibahagi ang tamang paraan ng pag-iwas at pagprotekta sa ganitong uri ng pang-aabuso.

Ang mga ganitong inisyatibo ay nagpapakita ng patuloy na malasakit at dedikasyon ng Pamahalaang Lokal sa pagtataguyod ng isang ligtas at mapagkalingang bayan. Magtulungan tayo upang wakasan ang pang-aabuso, palakasin ang kabataan, at ipaglaban ang kanilang kinabukasan! 

#NationalChildrensMonth

#OSAEC

#CSAEM

#MunicipalityOfLosBañosCares

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 1939 Total Views

Related:


;