MENU
Philippine Standard Time:
2nd Batch of Enhancement Training of Barangay Public Safety Officers (BPSOs) of Los Baños
Published date: Nov 8, 2025
2nd Batch of Enhancement Training of Barangay Public Safety Officers (BPSOs) of Los Baños

Patuloy ang pagsisikap ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) sa pagpapaigting ng kakayahan ng mga Barangay Public Safety Officers (BPSOs) sa pamamagitan ng isinagawang ikalawang batch ng Enhancement Training nitong Nobyembre 7, 2025 (Biyernes) sa Municipal Multipurpose Hall ng Los Baños. Kabilang sa mga dumalo ang mga BPSOs mula sa Barangay Maahas, Malinta, Mayondon, Putho-Tuntungin, San Antonio, Tadlac, at Timugan.

Sa ilalim ng programang ito, binigyang-diin ang pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga Barangay Tanod bilang unang tagapagtanggol ng katahimikan at kaayusan sa kani-kanilang komunidad. Tinalakay sa pagsasanay ang mga paksa hinggil sa tamang pakikitungo sa publiko, epektibong pagtugon sa mga insidente, at pagpapatupad ng mga operasyon sa seguridad.

Patunay ito sa matatag na layunin ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na mapangalagaan ang isang ligtas, payapa, at maunlad na komunidad, kung saan ang bawat Barangay Tanod ay handang maglingkod nang may buong husay at malasakit.

#EnhancementTraining

#BPSO

#SerbisyongDiretsoSaTao

#MunicipalityOfLosBaños

#AbanteLosBaños

 119 Total Views

Related:


;