EMPOWERED Health and Wellness Caravan at Los Baños
Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang EMPOWERED Health and Wellness Caravan, isang araw ng libreng serbisyong medikal na tunay na naghatid ng malasakit, pag-asa, at pagkakaisa sa bawat mamamayan! 
Idinaos ito nitong Nobyembre 8, 2025 (Sabado) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center, Brgy. Baybayin, Los Baños, Laguna, kung saan daan-daang kababayan ang nabahagian ng medical check-up, eye at cataract screening, prosthetic legs measurements, at cleft & lip palate consultation. 
Sa pagtutulungan ng Tau Gamma Phi Junction Chapter, BagongBayani Rescue Volunteers Team Los Baños, Office of Mayor Neil Andrew Nocon, Rotary Club Makati F. Zobel, The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, at iba pang katuwang na organisasyon, muling pinatunayan ng Los Baños na ang tunay na lakas ay nasa malasakit at pagkakaisa. 
Isang araw ng serbisyo, isang hakbang tungo sa mas malusog at mas maunlad na bayan. 
Related:
-
Most Viewed Article
