MENU
Philippine Standard Time:
1st Batch of Enhancement Training of Barangay Public Safety Officers (BPSOs) of Los Baños
Published date: Nov 8, 2025
1st Batch of Enhancement Training of Barangay Public Safety Officers (BPSOs) of Los Baños

Isinagawa ang unang batch ng Enhancement Training para sa mga Barangay Public Safety Officers (BPSOs) sa pamamagitan ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) nitong Nobyembre 6, 2025 (Huwebes) sa Municipal Multipurpose Hall ng Los Baños. Dumalo rito ang mga miyembro ng BPSOs mula sa Barangay Anos, Bagong Silang, Bambang, Batong Malake, Baybayin, Bayog, at Lalakay.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga Barangay Tanod sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang tagapangalaga ng kapayapaan, kaayusan, at karapatang pantao sa kani-kanilang nasasakupan. Kabilang sa mga tinalakay ang tamang pakikitungo sa publiko, wastong pagtugon sa mga insidente, at pagpapatupad ng mga pangunahing operasyon sa seguridad, na ibinahagi nila LGOO VI Maria Kerstine E. Azucena, MSWDO Hannah Erika E. Laviña, OIC-MDRRMO Cynthia N. Quintans, PNP PCPL Venus Juarez, at PNP PLTCOL John Eric B. Antonio.

Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang propesyonalisasyon ng mga Barangay Public Safety Officers (BPSOs) bilang matatag na katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaligtasan, at kaunlaran sa bayan ng Los Baños.

#EnhancementTraining

#BPSO

#SerbisyongDiretsoSaTao

#MunicipalityOfLosBaños

#AbanteLosBaños

 130 Total Views

Related:


;