Coordination Meeting and Disaster Preparedness of Los Baños for the upcoming Typhoon Uwan
Isinagawa nitong Nobyembre 7, 2025 (Biyernes) sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang isang coordination meeting kasama ang mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang tanggapan kaugnay sa paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Los Baños para sa nalalapit na Bagyong Uwan. 
Layunin ng pagpupulong na masiguro ang kahandaan ng bawat sektor mula sa disaster response teams, evacuation centers, komunikasyon, hanggang sa mga serbisyong pangkaligtasan at pangkalusugan upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Los Bañense.
Pinagtibay rin sa pulong ang mabilis na pagresponde sa mga emergency situation, paghahanda sa pamamahagi ng relief goods, pagbabantay sa mga aktibidad ng lawa, at pagtutulungan ng bawat barangay upang maging handa sa anumang epekto ng paparating na bagyo. 
Sama-sama nating isulong ang kahandaan para sa kaligtasan.
Manatiling matatag at mapagmatyag, Los Bañenses! 
Related:
-
Most Viewed Article
