MGLB recognized by DILG for its outstanding dedication to transparency, accountability, and excellence in the monitoring and reporting of Locally-Funded Projects (LFPs) through the SUBAYbayan System
Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang natanggap na Certificate of Recognition mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A, bilang pagkilala sa natatanging dedikasyon sa transparency, accountability, at kahusayan sa pagsubaybay at pag-uulat ng mga Locally-Funded Projects (LFPs) sa ilalim ng SubayBAYANI System.
Ang parangal ay tinanggap nina Mayor Neil Andrew Nocon, Municipal Engineer Ricky Estopace, Municipal Planning and Development Coordinator Twila Torres, at Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Michiko Escalante at Engr. Marvin Garote nitong Nobyembre 4, 2025, sa ginanap na FY 2025 CALABARZON SubayBAYANI Awards Ceremony sa Hotel Casiana & Events Center, Tagaytay City, Cavite.
Bukod dito, kinilala rin si MLGOO Michiko R. Escalante bilang isang exemplar DILG Field Officer para sa kanyang katangi-tanging katapatan, dedikasyon, at integridad sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa lokal na antas. Ang kanyang parangal ay nagpapatunay sa kanyang patuloy na pamumuno at malasakit sa serbisyong bayan.
Isang karangalan ito para sa Bayan ng Los Baños, na patuloy na nagsusulong ng tapat, mahusay, at makataong pamahalaan para sa bawat Los Bañense.
#TransparencyAndAccountability
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
