MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park (November 1–2, 2025)
Published date: Nov 3, 2025
Los Baños Sunset at the Park (November 1–2, 2025)

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang linggo ng Sunset at the Park nitong Nobyembre 1–2, 2025 (Sabado at Linggo) sa General Paciano Rizal Park. Isang masining at makabuluhang pagtatanghal na naghatid ng musika, sining, at pagkakaisa sa komunidad.

Sa ilalim ng maaliwalas na langit ng dapithapon, muling nagningning ang entablado sa mga tampok na pagtatanghal mula sa Mindset, Bernova, at 2nd Jam sa unang araw. Nagpakitang gilas rin ang mga local artists na Bernova, Hardrules, Bathala, Muddspring, at Buskers sa ikalawang araw.

Inaanyayahan ang lahat na muling makisaya at makiisa sa mga susunod pang pagtatanghal tuwing Sabado at Linggo sa General Paciano Rizal Park. Damhin ang sining, musika, at ganda ng dapithapon sa Sunset at the Park! Pinagbuklod ng musika, kultura, at alaala ang buong Los Baños sa isang masayang pagdiriwang sa Sunset at the Park.

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 792 Total Views

Related:


;