MENU
Philippine Standard Time:
Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) payout in Los Baños reinforced government support for low-income households (October 28, 2025)
Published date: Oct 29, 2025
Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) payout in Los Baños reinforced government support for low-income households  (October 28, 2025)

Nagpatuloy ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Oktubre 28, 2025 (Martes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center. Ang programa ay nakapagbigay ng pampinansyal na tulong sa mga pamilyang may limitadong kita upang matulungan silang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Ang payout ay matagumpay na isinagawa sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at iba pang ahensyang sumusuporta sa programa. 

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Nocon na ang AKAP ay hindi lamang isang programa ng pinansyal na tulong, kundi isang tunay na pagpapamalas ng malasakit at pagkalinga ng lokal na Pamahalaan sa bawat pamilyang Los Bañense. Ipinahayag din niya na ang patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng Pamahalaan at mamamayan ang susi sa pagbuo ng isang mas matatag, inklusibo, at maunlad na Los Baños. 

#AKAPPayout

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 656 Total Views

Related:


;