MGLB Halloween Trick or Treat 2025 brought joy and unity in Los Baños (October 27, 2025)
Ginanap nitong Oktubre 27, 2025 (Lunes) ang isang masayang Treat or Trick Event sa Activity Area ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamamagitan ng AMELBA-UNA Inc. Nagtipon-tipon ang mga bata at kabataang LB suot ang kani-kanilang mga creative Halloween costumes. Ikinagalak ng Pamahalaang lokal na makita ang sigla at ngiti ng mga kabataan, na siyang patunay ng masiglang diwa ng pagkakaisa at kasiyahan sa komunidad.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, nakiisa rin ang bawat tanggapan ng Munisipyo sa pamamagitan ng pagdedekorasyon ng kanilang mga opisina sa temang Halloween at namigay ng mga treats at candies sa mga batang dumalaw.
Pagbati sa mga ginawaran ng parangal na best in costume at mga opisinang nagwagi sa Best in Halloween Decoration Contest:
1st Place: Human Resource Management Office (HRMO) ,
2nd Place: Operations Center (OpCen), at
🥉 3rd Place: Municipal Planning and Development Office (MPDO).
Isang matagumpay na aktibidad at isang hindi malilimutang sandaling nagbigay ng saya at alaala na siguradong babalikan taon-taon ng mga batang Los Bañense.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
