“Sunset at the Park” launched in Los Baños showcasing arts, music, and community spirit (October 25, 2025)
TANGLAW NG SINING AT MUSIKA SA LOS BAÑOS SUNSET AT THE PARK
Isang makasining na pagtatanghal at masiglang pagtitipon ang nagbigay-buhay sa General Paciano Rizal Park nitong Oktubre 25, 2025 (Sabado) sa ginanap na Los Baños Sunset at the Park! Ang programa ay nagsilbing pahinga at aliw sa mga mamamayan habang pinagmamasdan ang kahanga-hangang tanawin ng paglubog ng araw sa puso ng bayan ng Los Baños.
Sa pangunguna nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon at Sangguniang Bayan, ipinaabot nila ang kanilang taos-pusong pasasalamat at mensahe ng pag-asa, habang hinihikayat ang lahat na patuloy na suportahan hindi lamang ang pagsisimula ng lingguhang “Sunset at the Park”, kundi maging ang turismo at kultura ng bayan ng Los Baños.
Itinampok sa gabi ang mga natatanging pagtatanghal mula sa Cesar P. Perez Brass Band at LSPU LB Eskultura – Vocal Solo, Vocal Duet, Contemporary Dance, at Himig EsKultura Chorale.
Halina’t makisaya sa lingguhang Los Baños Sunset at the Park! Sama-sama nating damhin kada Sabado sa General Paciano Rizal Park ang ganda ng paglubog ng araw, ang himig ng musika, natatanging sining, at ang diwa ng pagkakaisa sa bayan ng Los Baños!
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
