MENU
Philippine Standard Time:
1st GAD Inter-Agency Council Meeting at Los Baños
Published date: Oct 23, 2025
1st GAD Inter-Agency Council Meeting at Los Baños

Sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon, katuwang si Ms. Karen Mercado, GAD Officer ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, na palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng bawat institusyon sa bayan, ay ginanap nitong Oktubre 21, 2025, sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños, ang kauna-unahang Los Baños GAD Inter-Agency Council Meeting.

Ang Gender and Development (GAD) Inter-Agency Council ay binuo at pinagtibay sa bisa ng Municipal Ordinance No. 2019-1910, o ang “An Ordinance Institutionalizing the GAD Inter-Agency Council in Los Baños.” Layunin ng nasabing ordinansa na pagkaisahin ang mga inisyatibo ng iba’t ibang ahensya sa bayan, partikular sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, proteksyon laban sa karahasan sa kababaihan, at pagbuo ng komprehensibong plano na papailalim sa GAD Plan and Budget ng bawat institusyon—upang higit pang makapaghatid ng inklusibong mga programa para sa mga Los Bañense.

Tinalakay sa pagpupulong ang paglulunsad ng LB Local Pool of GAD Practitioners na layuning tugunan ang lumalaking pangangailangang teknikal ng bawat ahensya at mapataas ang gender mainstreaming at technical capacity ng mga kasaping miyembro ng GAD Inter-Agency Council.

Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa paghahanda para sa taunang obserbasyon ng 18-Day Campaign to End VAW sa darating na Nobyembre, na lalahukan ng iba’t ibang institusyon sa buong bayan ng Los Baños.

Sa huli, ang mithiin tungo sa isang pantay at inklusibong komunidad ay magiging ganap sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagtutulungan ng lahat.

 266 Total Views

Related:


;