Dr. Ruth Uy-Asmundson's visit at Los Baños (October 18, 2025)
TAOS-PUSONG PAGTANGGAP SA PAGBISITA NI DR. RUTH UY-ASMUNDSON
Sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon, kasama si Vice Mayor Marlo PJ Alipon at ang buong Sangguniang Bayan, ay taos-pusong sinalubong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagbisita ni Dr. Ruth Uy-Asmundson noong Oktubre 18, 2025.
Si Dr. Ruth Uy-Asmundson, ipinanganak sa Gamu, Isabela, ay nagtapos ng BS in Chemistry sa Adamson University noong 1968. Ang kanyang yumaong asawa na si Vigfus Asmundson ay isang kilalang abogado at nagsilbing alkalde ng Davis, California noong 1970. Siys ang kauna-unahang Asian-American Mayor ng Lungsod ng Davis, California, na nagsilbi mula 2004-2006 at muling mula 2008-2010. Bilang alkalde, naging masigasig siyang tagapagtaguyod ng sister city relationships, kung saan nakapagtatag siya ng ugnayan sa apat na lungsod sa Asya, kabilang na ang Los Baños, Laguna at Muñoz, Nueva Ecija.
Kabilang sa kanyang mga natanggap na pagkilala ang Davis Citizen of the Year (1990), Adamson University Alumnus of the Year (2000 at 2003), at ang prestihiyosong Gawad Pamana ng Filipino (2006). Siya rin ay kinilala bilang isa sa “100 Most Influential Filipina Women in the U.S.” (2007), at noong 2010, ginawaran ng Award of Excellence ng UC Davis College of Agricultural and Environmental Sciences. Siya rin ay nagsilbi bilang Ambassador to Davis Sister Cities.
Sa kanyang pagbisita sa Los Baños, ibinahagi ni Dr. Asmundson ang kanyang mga karanasan at inspirasyon bilang isang iginagalang na lider, ang kanyang paglalakbay sa pamumuno, dedikasyon sa serbisyo publiko, at ang pagpapatunay na ang isang Pilipino ay kayang makilala at magtagumpay sa pandaigdigang larangan.
Related:
-
Most Viewed Article
