MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: PAGPIRMA NG MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS AT REPUBLIC CEMENT UPANG MAKATULONG SA SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM, ISINAGAWA
Published date: May 20, 2021
TINGNAN: PAGPIRMA NG MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS AT REPUBLIC CEMENT UPANG MAKATULONG SA SOLID WASTE MANAGEMENT PROGRAM, ISINAGAWA

Pinangunahan kahapon ni Mayor Antonio "Kuya Tony" L. Kalaw ang isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng Republic Cement.

Ang Republic Cement ay isang kumpanya na gumagawa ng semento at gumagamit ng alternatibong gasolina mula sa mga residual waste para sa paggawa ng semento.

Ang pagtutulungan sa pagitan ng Republic Cement at Pamahalaang Bayan ng Los Banos ay bahagi ng proyekto ng DOST Calabarzon kaugnay ng pagrerecycle ng mga basura.

Layunin ng proyektong ito na mabawasan ang mga basura sa bayan ng Los Baños na dinadala sa ating Sanitary Landfill sa pamamagitan ng by-product exchange, plastic co-processing at paggamit ng mga multi-layered materials sa paggawa ng semento, kabilang na rin ang paggamit ng mga nabubulok na basura sa produksyon ng bio-gas ng ating Munisipyo.

Ang mga basura na maaaring magamit sa paggawa ng semento ay ang sachet/tetrapack, pet bottle/plastic bottle, plastic bag, food wrapper, plastic packaging, tarpaulin, styrofoam at gulong.

Una nang sinabi ni MENRO Focal Person Lizette Cardenas sa panayam sa programang Serbisyong Totoo, Diretso Sa Tao ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na magkakaroon tayo ng plastic waste collection program sa mga kabahayan partikular sa mga Women's Brigade upang makatulong sa pagkolekta ng ganitong uri ng mga basura sa ating mga kabahayan.

Isa ang Solid Waste Management sa mga programang tinututukan ni Mayor "Kuya Tony" Kalaw upang masolusyonan ang problema sa basura sa bayan ng Los Baños.

 172 Total Views

Related: