MENU
Philippine Standard Time:
Ayuda Para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) delivered financial assistance for needy residents in Los Baños (October 21, 2025)
Published date: Oct 23, 2025
Ayuda Para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) delivered financial assistance for needy residents in Los Baños (October 21, 2025)

Isinagawa nitong Oktubre 21, 2025 (Martes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center ang patuloy na pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon.

Ang programa ay nagkapagbigay ng karagdagang tulong pinansyal sa mga pamilyang kapos sa kita at higit na nangangailangan, upang maibsan ang pasanin sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Humigt kumulang 1,000 benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Los Baños ang muling tumanggap ng ayuda sa nasabing payout. Naging matagumpay ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, at iba pang katuwang na ahensya.

Ang isinagawang AKAP payout sa bayan ng Los Baños ay patunay na sa pagkakaisa ng Pamahalaan at mamamayan, nagiging posible ang pagbuo ng isang mas matatag at maunlad na komunidad.

#AKAPPayout

 

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 2506 Total Views

Related:


;