14th Asian Innovation Forum (AIF) on “Opportunities for Growth and Sustainability” successfully convened in Los Baños (October 17, 2025)
Ginanap ang ika-14 Asian Innovation Forum (AIF) na may temang “Opportunities for Growth and Sustainability” nitong Oktubre 17, 2025 (Biyernes) sa CPP Multipurpose Evacuation Center. Ang nasabing pagtitipon ay naisakatuparan sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, katuwang ang Daily Tribune, Repay Digital Solutions, Cebu CFI Community Cooperative, Maya Philippines, Small Business Corporation, RAMCAR Group of Companies, at SM Foundation.
Pinag-isa ng forum ang mga innovators, entrepreneurs, at changemakers upang isulong ang inklusibong pag-unlad at pangmatagalang progreso sa pamamagitan ng inobasyon at digital transformation. Tampok sa AIF ang mahahalagang pananaw ng mga lider sa industriya gaya nina G. Robert Bastillo (Pangulo at CEO, SB Corp), G. Don Garcia (Regional Manager–Luzon, Cebu CFI Community Cooperative), G. Joms Ramirez II (Regional Business Head–NCR, Maya Philippines), at G. Mark David Dela Cruz (CEO, Repay Digital Solutions).
Pinagtuunan ng mga talakayan ang mga estratehiya upang mapalakas ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME) at magamit ang digital innovation bilang kasangkapan sa paglutas ng mga suliraning panlipunan at pangkabuhayan. Ito ay hindi lang basta naging karaniwang forum sapagkat ito ay nagkaroon ng matapang, makabago, at puno ng totoong diskurso mula sa mga lider na nagsusulong ng laban kontra kahirapan tungo sa isang mas matatag at napapanatiling kinabukasan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
