MENU
Philippine Standard Time:
Hon. Mayor Neil Andrew Nocon led efforts for faster emergency response through the Operations Command Center (OPCEN) in Los Baños (October 17, 2025)
Published date: Oct 20, 2025
Hon. Mayor Neil Andrew Nocon led efforts for faster emergency response through the Operations Command Center (OPCEN) in Los Baños (October 17, 2025)

Sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon, mas pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang kahandaan at koordinasyon sa oras ng pangangailangan. Isinagawa ngayon ang mga paghahanda para sa Operations Command Center (OPCEN), isang sentrong magsisilbing puso ng operasyon at ugnayan sa panahon ng sakuna, emergency, at mahahalagang aktibidad ng bayan.

Sa pamamagitan ng OPCEN, mas magiging mabilis ang pagtugon, pagbibigay ng impormasyon, at koordinasyon ng mga tanggapan, katuwang ang mga rescue units, kapulisan, at iba pang ahensya ng gobyerno. Patunay ito ng patuloy na pagsusumikap ng administrasyon ni Mayor Neil Nocon tungo sa isang handa, matatag, at maayos na Bayan ng Los Baños.

#OPCEN

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 904 Total Views

Related:


;