MENU
Philippine Standard Time:
MGLB joined the earthquake preparedness and disaster readiness assessment of the Province of Laguna (October 15, 2025)
Published date: Oct 17, 2025
MGLB joined the earthquake preparedness and disaster readiness assessment of the Province of Laguna (October 15, 2025)

Isinagawa ngayong araw, Oktubre 15, 2025, sa Laguna Cultural Center, ang malawakang Earthquake Preparedness and Disaster Readiness Assessment na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Governor Sol Aragones. Layunin ng pagtitipong ito na mapalakas ang koordinasyon at kahandaan ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan sa harap ng patuloy na nararanasang mga pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dinaluhan ang pagpupulong ng mga Punong Bayan, Punong Lungsod, Municipal at City Engineers, at mga kinatawan ng mga tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management, Engineering, at Building Officials mula sa buong Lalawigan ng Laguna. 

Kabilang sa mga dumalo ang delegasyon mula sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Mayor Neil Andrew Nocon at Municipal Engineer Ricky Estopace, katuwang ang Municipal Engineering Office at Office of the Building Official (OBO).

Ang nasabing aktibidad ay kasunod ng deklarasyon ng Pamahalaang Panlalawigan na pansamantalang ilipat sa Alternative Delivery Mode o Online Classes ang lahat ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Laguna mula Oktubre 14 hanggang 31, 2025. Ito ay hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang isinasagawa ang malawakang inspeksyon sa mga gusali, paaralan, at ospital sa buong lalawigan.

Sa pamumuno ni Mayor Neil Andrew Nocon, patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang kahandaan, katatagan, at kaligtasan ng bawat Los Bañense sa harap ng mga kalamidad.

#DisasterPreparedness

#EarthquakeReadiness

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 1086 Total Views

Related:


;