MENU
Philippine Standard Time:
Awarding of SB Resolutions and Certificates of Recognition and Accreditation to CSOs of Los Baños
Published date: Oct 17, 2025
Awarding of SB Resolutions and Certificates of Recognition and Accreditation to CSOs of Los Baños

Ginanap ang seremonya ng pagkilala at pagbibigay ng SB Resolutions at Certificates of Recognition and Accreditation sa mga Civil Society Organizations (CSOs) ng Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Oktubre 15, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Multipurpose Hall. Layunin ng aktibidad na ito na kilalanin at pormal na bigyang-akreditasyon ang mga CSOs bilang katuwang ng pamahalaang lokal sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran at serbisyong pangkomunidad.

Dumalo at nagpahayag ng suporta ang buong Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon kasama sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at Hon. Jay A. Rolusta.

Sa pamamagitan ng seremonyang ito, ipinahayag ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagkilala sa mahalagang papel ng mga Civil Society Organizations bilang katuwang sa pagsusulong ng mabuting pamamahala, partisipasyon ng mamamayan, at mas maunlad na komunidad.

#CSOAwardingAndAccreditation

#CSOsOfLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

 339 Total Views

Related:


;