MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Week of October 2025)
Published date: Oct 15, 2025
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Week of October 2025)

Ang lingguhang pagtataas ng watawat sa Bayan ng Los Baños nitong ikalawang Lunes ng Oktubre 2025 ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay ng Tadlac sa pamumuno ni Kgg. Jaime Buendia. Dumalo sa pagtitipon sina Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta, at ABC President Gaudencio Macatangay.

Ipinahayag ni Mayor Nocon ang kanyang taos-pusong pagbati sa mga ipinakilalang kawani ng Pamahalaang Bayan na ginawaran ng Service Excellence Award bilang pagkilala sa kanilang tapat at walang sawang paglilingkod sa bayan sa loob ng 10, 15, at 20 taon. Ang nasabing programa ay bahagi ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) na pinangasiwaan ng Human Resource Management Office (HRMO) sa pamumuno ni Ms. Miraflor Tado.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Mayor Nocon kay Gob. Sol Aragones at sa kanyang team para sa kanilang patuloy na suporta at dedikasyon sa pagbibigay ng libreng maintenance na gamot para sa mga mamamayan ng Los Baños.

Higit pa sa isang karaniwang seremonya ng pagtataas ng watawat, ang pagtitipon ay nagsilbing makabuluhang paalala ng pagkakaisa at sama-samang adhikain ng Pamahalaang Lokal at ng mga mamamayan tungo sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at patuloy na kaunlaran ng Bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 537 Total Views

Related:


;