Los Baños celebrated Service Loyalty Awards honoring years of public service excellence (October 10, 2025)
Pagkilala sa Katapatan at Walang Sawang Paglilingkod!
Isang gabi ng pagpaparangal at pasasalamat ang ginanap sa ilalim ng pamumuno ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa selebrasyon ng Service Loyalty Awards bilang bahagi ng 125th Philippine Civil Service Anniversary na may temang:“Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan.” Sa makabuluhang okasyong ito, pinarangalan ang mga natatanging kawani ng lokal na pamahalaan na buong husay at dedikasyong naglingkod sa loob ng 10 taon, 15 taon at 20 taon.
Isang pagkilala ito sa kanilang hindi matatawarang serbisyo publiko mga taong naglaan ng kanilang panahon, kakayahan, at puso para sa patuloy na pag-unlad at kaayusan ng ating bayan. Ang bawat kwento ng kanilang paglilingkod ay inspirasyon sa bawat isa patunay na ang tunay na bayani ay matatagpuan sa loob ng ating mga tanggapan. Muli, isang maalab na pagbati at pasasalamat sa ating mga Lingkod Bayani!
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
