Elderly Filipino Week Celebration 2025 at Los Baños (October 10, 2025)
Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Mayor Neil Andrew Nocon, at sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Ms. Hanna Erika Lavina (MSWD Officer), matagumpay na ipinagdiwang noong October 10, 2025 (Biyernes) ang Elderly Filipino Week Celebration 2025! Dumalo sa makabuluhang selebrasyon sina Dr. Antonino Aurelio, kinatawan ni Gob. Sol Aragones, Konsehal Miko Pelegrina, Mr. Jun Montemayor, Pangulo ng Senior Citizens Federation of Los Baños, gayundin ang mga pangulo ng iba’t ibang Barangay Senior Citizens Associations sa ating bayan.
Isa sa mga tampok ng programa ang parangal sa mga Ulirang Nakakatanda 2025, at sa mga natatanging opisyal ng mga samahan ng nakatatanda , kabilang ang Most Active Barangay Senior Citizen Association President, Vice President, Secretary, Treasurer, at Auditor. Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa rin ang libreng bone screening with Haleon, na naglalayong palawakin ang kamalayan at pangangalaga sa kalusugan ng ating mga nakatatanda. 

Isang patunay ang pagdiriwang na ito na sa Bayan ng Los Baños, tunay na pinahahalagahan, iginagalang, at minamahal ang ating mga lolo at lola, mga haligi ng tahanan at huwaran ng tibay at karunungan. 
#EmbracingAgeWithDignityAndPurpose
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
