Localized Kilos Unlad Training (LoKUT), a Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Social Case Management Strategy at Los Baños
Ginanap ang Localized Kilos Unlad Training (LoKUT), isang mahalagang bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng Social Case Management Strategy, nitong Oktubre 6–8, 2025 sa Municipal Multipurpose Hall.
Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, dumalo sa pagsasanay ang mga miyembro ng Municipal Advisory Council kasama ang mga kinatawan ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Miko Pelegrina at Hon. Mec Dizon, gayundin ang iba’t ibang hepe ng tanggapan at mga kawani ng Pamahalaan.
Sa pangunguna ng Laguna Provincial Operations Office, pinalakas ng pagsasanay ang koordinasyon at pagtutulungan ng DSWD at mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mas malinaw, tiyak, at epektibong mga programa para sa mga benepisyaryo. Sa ganitong paraan, masisiguro ang patuloy na pag-unlad ng kanilang kabuhayan at maiwasan ang muling pagbalik sa kahirapan, alinsunod sa mandato ng 4Ps Law.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at komunidad, mas napapalakas ang bawat pamilyang Pilipino tungo sa mas matatag, produktibo, at maalwang kinabukasan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
