Municipal Government of Los Baños took part in the Celebration of UPLB’s 107 Years of loyalty and service (October 5, 2025)
Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon, sa masiglang pagdiriwang ng ika-107 Loyalty Day at Grand Alumni Homecoming ng University of the Philippines Los Baños nitong Oktubre 5, 2025. Bilang paggunita sa 107 taon ng katapatan, serbisyo, at pagkakaisa ng pamantasan, buong sigasig na lumahok ang mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan, ahensya, at organisasyon ng lokal na pamahalaan sa isinagawang parada. Ipinamalas nila ang mainit na suporta at pakikiisa sa UPLB, na nagsisilbing patunay ng matatag at patuloy na ugnayan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Unibersidad.
Hangad ng Pamahalaang Bayan na higit pang patatagin ang pakikipagtulungan sa UPLB upang maisulong ang mga programang nakatuon sa kaunlaran, inobasyon, at mas maunlad na kinabukasan para sa mamamayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
