Free medicines for Los Bañenses made more accessible through Akay ni Gob Botika Opening (October 6, 2025)
Mas Pinadali ang Pagkuha ng Libreng Gamot para sa mga Los Bañense!
Opisyal nang binuksan nitong Oktubre 6, 2025 ang “Akay ni Gob Botika” sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon, katuwang si Governor Sol Aragones, na naglalayong palakasin ang sistemang pangkalusugan ng lalawigan at mas mapalapit ang serbisyong medikal sa bawat mamamayan.
Matatagpuan ang Akay ni Gob Botika sa Ground Floor ng Los Baños Municipal Hall, Brgy. Timugan, Los Baños, Laguna. Layunin ng programa na magbigay ng libreng maintenance medicine sa mga kwalipikadong residente upang mabawasan ang gastusin sa pagpapagamot at masiguro ang tuloy-tuloy na gamutan. Kabilang sa mga libreng gamot na maaaring makuha ay Amlodipine, Losartan, Atorvastatin, at Metformin, para sa mga may altapresyon, mataas na kolesterol, at diabetes.
Bukas tuwing Lunes at Miyerkules, at nagbibigay ng isang buwang supply ng gamot sa mga kwalipikadong benepisyaryo na magpapakita ng valid ID at reseta. Kung luma na ang reseta, may mga doktor na handang magsagawa ng libreng assessment upang matulungan ang mga nangangailangan.
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna upang maihatid ang serbisyong pangkalusugang diretso para sa tao.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
