MENU
Philippine Standard Time:
Hon. Mayor Neil Andrew Nocon presented his first 100 Days accomplishment in Los Baños (October 6, 2025)
Published date: Oct 7, 2025
Hon. Mayor Neil Andrew Nocon presented his first 100 Days accomplishment in Los Baños (October 6, 2025)

Sa unang Lunes ng Oktubre 2025, matagumpay na isinagawa ang Pag-uulat sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa bayan ng Los Baños. 

Dumalo at nagbigay ng buong suporta ang Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kasama sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta, gayundin sina ABC President Gaudencio Macatangay at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega. 

Nakiisa rin sa programa ang MGLB Department and Unit heads, DILG family kabilang ang PNP, BFP, BJMP, PCG, Barangay Captains, SK Chairmans, BSP, GSP, members of the academe, Civil Society Organizations, mga kawani ng Pamahalaang tanggapan, at iba pang residente ng Los Baños. 

Sa kanyang pag-uulat, sinabi ni Mayor Nocon na ang mga accomplishments na ito ay hindi niya magagawa kung wala ang tulong ng Sangguniang Bayan at iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaan. Idinagdag pa niya na ang mga nagawa at naipakita sa pamamagitan ng isang Audio-Visual Presentation (AVP) ay hindi lamang tagumpay ng kanyang administrasyon kundi tagumpay ng bawat mamamayan ng Los Baños, at ito ay simula pa lamang ng mas malawak at mas makabuluhang pagkilos para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan. 🎉

#1st100DaysAccomplishment

#MayorNeilAndrewNocon

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 4863 Total Views

Related:


;