Opening Ceremony of Pasko sa Gubat 2025 strengthened cooperation among participating agencies in Los Baños (October 2, 2026)
Matagumpay na Pagbubukas ng Pasko sa Gubat 2025!
Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Mayor Neil Andrew N. Nocon, matagumpay na isinagawa ngayong araw, Oktubre 2, 2025, ang Opening Ceremony ng Pasko sa Gubat 2025 na may temang “Itaguyod ang Lakas, Husay at Pagkakaibigan.”
Pinangunahan ng masiglang parada mula sa New Municipal Grounds patungo sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center ang pagbubukas ng selebrasyon, kung saan sama-samang nagpakita ng suporta at sigla ang iba’t ibang ahensya at institusyon: ASEAN Centre for Biodiversity (ACB); UPLB College of Forestry and Natural Resources (CFNR); DENR Laguna; DOST-FPRDI (Forest Products Research and Development Institute); DOST-PCAARRD (Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development); Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) at ang Municipal Government of Los Baños.
Ipinakita ng bawat kalahok ang tunay na diwa ng pagkakaisa at sportsmanship sa pamamagitan ng seremonya ng panunumpa, torch lighting, at pagsisimula ng mga palaro.
Ang pagbubukas ngayong araw ay nagsilbing hudyat ng isang buwang masayang selebrasyon at paligsahan na magpapatibay ng samahan, tiwala, at pagkakaibigan sa pagitan ng mga ahensya at komunidad. Tunay na ang Pasko sa Gubat ay hindi lamang simpleng sportsfest, kundi isang makabuluhang pagtitipon na nagtataguyod ng pagkakaunawaan at malasakit para sa bayan at kalikasan.
#ItaguyodAngLakasHusayAtPagkakaibigan
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
