AKAP Program delivered financial assistance to low-income residents in Los Baños (October 1, 2025)
Patuloy ang pag-aabot ng serbisyong diretso sa tao sa bayan ng Los Baños pamamagitan ng programang Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP), na pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong unang araw ng Oktubre 2025 sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center.
Ang programang ito ay patunay ng walang sawang pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makapagbigay ng tulong pampinansyal sa mga pamilyang mababa ang kita, partikular sa mga tricycle driver, maliliit na negosyante sa kalsada, at iba pang manggagawang kabilang sa impormal na sektor ng ekonomiya tungo sa isang mas maunlad, mas inklusibo, at mas progresibong Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
