MENU
Philippine Standard Time:
NUTRIBUN PROJECT UPDATE: Second wave ng Nutribun Project sinimulan ngayong Mayo
Published date: May 12, 2021
NUTRIBUN PROJECT UPDATE: Second wave ng Nutribun Project sinimulan ngayong Mayo

Matapos makuha ang datos mula sa Operation Timbang plus na isinagawa mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon, ang mga batang may mataas na pangangailangang pang nutrisyon na may edad isa hanggang limang taong gulang ay regular na nakakatanggap ng ating regular at flavored nutribun tatlong beses sa isang Linggo. Ito ay personal na ihinahatid sa kanilang mga tahanan upang masiguro na sila ay nakakatanggap na karagdagang sustansiya mula sa ating tinapay.

Nagsagawa muna ng profiling ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa mga batang benepisyaryo bago sinimulan ang distribusyon. Mula dito ay hiningi ng aming opisina ang pahintulot ng mga magulang na sumailalim ang kanilang anak sa 120days dietary supplementation program. Ang ilan sa mga bata ay dinala sa health center upang mapurga at matingnan ng ating mga nurse, midwife o doctor.

 618 Total Views

Related: