MENU
Philippine Standard Time:
Reengineering and Citizens Charter Workshop at the Municipality of Los Baños (October 1, 2026)
Published date: Oct 1, 2025
Reengineering and Citizens Charter Workshop at the Municipality of Los Baños (October 1, 2026)

Matagumpay na naisagawa ang Reengineering and Citizens Charter Workshop na pinangunahan ng ARTA Southern Luzon Regional Field Office katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon noong unang araw ng Oktubre 2025 (Miyerkules). Dumalo ang mga pinuno at kinatawan mula sa iba’t ibang departamento, yunit, at opisina ng munisipyo upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman at mapatibay ang kanilang kakayahan sa pagpapatupad ng makabago at episyenteng serbisyo publiko para sa mga mamamayan.

Bilang bahagi ng programa, tinalakay sa workshop ang mahahalagang hakbang at istratehiya sa muling pagdidisenyo ng mga proseso at pagpapabuti ng Citizens Charter. Layunin nito na mas mapadali, maging malinaw, at maging mas mabilis ang pagbibigay ng serbisyo, bilang tugon sa pangangailangan ng mga mamamayan para sa bukas at tapat na pamamahala.

Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot sa ating mga naging resource speakers na sina Mr. Jose Rondo D. Rocabo, Project Development Officer III, at Ms. Aina O. Rivera, Project Development Officer I, na buong puso at galing na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan. Sa pamamagitan ng kanilang gabay, higit pang titibay ang hangarin ng Bayan ng Los Baños na maitaguyod ang isang pamahalaang mahusay, episyente, at tunay na nakatuon para sa kapakanan ng lahat.

#ARTA

#CitizensCharterWorkshop

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 2589 Total Views

Related:


;