MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños and DSWD IV-A Conducted Memorandum of Agreement (MOA) Signing for prepositioning of relief goods for faster disaster response (September 29, 2025)
Published date: Sep 30, 2025
Los Baños and DSWD IV-A Conducted Memorandum of Agreement (MOA) Signing for prepositioning of relief goods for faster disaster response (September 29, 2025)

KASUNDUAN PARA SA KAHANDAAN AT KALIGTASAN 

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa mga sakuna ang isinagawa nitong Setyembre 29, 2025 (Lunes) sa Municipal Conference Room matapos ang isang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A.

Sa ilalim ng kasunduang ito, maaaring mag-imbak ng prepositioned relief goods mula sa DSWD ang LGU ng Los Baños upang agad itong magamit sa oras ng sakuna o emergency, at matiyak ang maagap at epektibong pamamahagi ng pangunahing tulong sa mga maaapektuhang residente.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Mayor Nocon, upang maprotektahan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng mabilis na paghahanda at koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

#PrepositioningOfReliefGoods

#MOASigning

#DSWD4AandLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 3556 Total Views

Related:


;