MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (last Monday of September 2025)
Published date: Sep 29, 2025
Weekly Flag Raising Ceremony (last Monday of September 2025)

Ang lingguhang pagtataas ng watawat sa bayan ng Los Baños nitong huling Lunes ng Setyembre 2025 ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay San Antonio. Ibinahagi ni Kapitan Relly C. Palis ang mga mahahalagang programa ng kanilang barangay na naglalayong higit pang paunlarin ang komunidad ng San Antonio, maging ang mga isyung kinakaharap ng kanilang barangay.

Dumalo at nagbigay ng kanyang pagbati at mensahe si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon kasama ang mga butihing miyembro ng Sangguniang Bayan ng Los Baños. Binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng pagkakaisa upang tugunan ang mga hamon at suliranin ng bayan, maging sa mga barangay. Kanya ring pinangunahan ang pagkilala sa mga kawaning pumasa Licensure Examination for Social Workers (LESW) noong Setyembre 8- 10, 2025 na sina Ms. Sheila Marie Perez-Care at Ms. Joanne G. Boter. 

Ang pagtitipon ay nagsilbing higit pa sa isang simpleng seremonya ng pagtataas ng watawat. Ito ay naging mahalagang pagkakataon upang ipamalas ang matibay na pagkakaisa ng Pamahalaang lokal at ng mga mamamayan sa pagsusulong ng kaayusan, kapayapaan, at higit na kaunlaran para sa Bayan ng Los Baños. 

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 2061 Total Views

Related:


;