Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Batch 3 at Los Baños (September 23, 2026)
Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang pamamahagi ng ikatlong batch ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) nitong Setyembre 23, 2025 (Martes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center. Mahigit 1,000 benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ang nakatanggap ng tulong, sa pamamagitan ng MSWDO, mga kawani ng pamahalaan, at iba pang katuwang na ahensya.
Ang AKAP ay isang programa ng DSWD na naglalayong suportahan ang mga mamamayang kapos ang kita, mula sa mga nagtitinda sa kalsada, tricycle drivers, hanggang sa iba pang hindi pormal na manggagawa.
Hindi hadlang ang anumang pagsubok para sa Pamahalaan sa paghahatid ng tulong, at bawat tulong na naibabahagi ay naglalarawan ng malasakit at suporta para sa bawat mamamayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
