MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: LUPONG TAGAPAMAYAPA NG BARANGAY BATONG MALAKE, WAGI RIN SA 2021 LTIA PROVINCIAL ASSESSMENT
Published date: May 7, 2021
TINGNAN: LUPONG TAGAPAMAYAPA NG BARANGAY BATONG MALAKE, WAGI RIN SA 2021 LTIA PROVINCIAL ASSESSMENT

Sulit ang lahat ng pagsisikap ng Lupong Tagapamayapa ng Batong Malake, sa pamumuno ni Kgg. Kapitan Ian Kalaw sapagkat sila ay nagkamit ng ikalawang pwesto sa apat na kalahok ng 1st to 3rd Class Municipalities Category sa idinaos na 2021 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) Provincial Assessment.

Pangalawa ang Lupong Tagapamayapa ng Batong Malake sa nakakuha ng pinakamataas na marka na umabot sa 90.14 at may katumbas na adjectival rating na Very Satisfactory.

Sila ay kinomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Laguna sa kanilang dedikasyon na ibinuhos upang masiguro na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang barangay sa pamamagitan ng pag-operationalize sa Katarungang Pambarangay.

Matatandaan na noong nakaraang Marso ay nagwagi sila sa LTIA ng Municipal level sa ikalawang pagkakataon.

Kasama sa mga criteria na pinagbatayan ang kahusayan sa mga operasyon, epektibong paraan ng pagsasaayos ng mga interpersonal na relasyon o alitan, pagkamalikhain at pagkamapamaraan ng lupong tagapamayapa, at pagbibigay ng pinansyal at iba pang uri ng suporta.

Nagpaabot rin ng komendasyon si Kgg. Mayor "Kuya Tony" Kalaw sa patuloy na paglilingkod ng Lupong Tagapamayapa ng Batong Malake sa mga mamamayan ng Los Banos na kanilang nasasakupan at sa pagsisiguro na mapayapa at ligtas sa kanilang komunidad.

 652 Total Views

Related: