MENU
Philippine Standard Time:
PAMAHALANG BAYAN NG LOS BANOS, NAMAHAGI NG DAIRY AT DRAFT CATTLES
Published date: May 5, 2021
PAMAHALANG BAYAN NG LOS BANOS, NAMAHAGI NG DAIRY AT DRAFT CATTLES

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Punumbayan Antonio L. Kalaw sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ay namahagi ng dalawang draft cattles, dalawang draft carabaos at isang dairy carabao noong Abril 26 at Abril 30, 2021 sa mga piling magsasaka ng Los Baños.

Ang mga ipinamahaging mga hayop ay kaugnay ng Animal Dispersal Program ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor kung saan ang unang anak ng mga ipinamahaging hayop ay kailangan ibalik na sila ring ipamamahagi sa iba pang mga magsasaka sa Los Banos.

Kasama rin ang konsultasyon, gamot pamurga, bitamina at iba pang mga serbisyo para sa mga hayop ang libreng makukuha ng mga benepisyaryo mula sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor.

Patuloy ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamamahagi ng mga hayop sa mga piling benepisyaryo upang palakasin ang industriya ng paghahayupan sa ating bayan.

 84 Total Views

Related: