MENU
Philippine Standard Time:
Brgy. Trade Fair Booth and Carnival Fair Opening at the 24th Bañamos Festival (September 16, 2026)
Published date: Sep 16, 2025
Brgy. Trade Fair Booth and Carnival Fair Opening at the 24th Bañamos Festival (September 16, 2026)

BRGY. TRADE FAIR BOOTH AT CARNIVAL FAIR SA 24TH BAÑAMOS FESTIVAL!

Noong Setyembre 16, 2025 (Martes), opisyal nang binuksan sa General Paciano Park ang Brgy. Trade Fair Booth at Carnival Fair bilang bahagi ng unang araw ng 24th Bañamos Festival.

Sa Brgy. Trade Fair Booth, handog ang iba’t ibang lokal na produkto mula sa masasarap na pagkain, handcrafted items, hanggang sa makabagong idea at gawa ng ating mga mamamayan ng bawat barangay. Binuksan ito sa publiko mula Sept. 16–20, 2025, simula 9 AM. Sa Carnival Fair naman, tampok ang exciting rides, mga laro, at iba’t ibang atraksyon para sa lahat mula Sept. 16–20, 2025.

Nagbigay ang mga ito ng pagkakataon sa mga mamamayan na suportahan ang mga lokal na produkto habang sama-samang nakiisa sa masayang pagdiriwang ng festival. Higit sa lahat, ipinamalas nito ang makulay na kultura, pagkamalikhain, at masiglang diwa ng bayan ng Los Baños.

#24thBañamosFestival

#BañamosFestival2025

#Bañamos2025Day1

#LosBañosAt410

#TradeFairBoothOpening

#CarnivalFairOpening

 

| via CJSA/ PIO-MGLB 

 8413 Total Views

Related:


;