24th Bañamos Festival Thanksgiving Mass (September 16, 2025)
PAGSISIMULA NG BAÑAMOS 2025 SA PANANALANGIN AT PASASALAMAT
Opisyal na binuksan ang Day 1 ng 24th Bañamos Festival sa isang makabuluhan at taimtim na Thanksgiving Mass nitong Setyembre 16, 2025 (Martes) bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang tinanggap ng bayan ng Los Baños sa nakalipas na 410 taon.
Nagsimula ang pagtitipon ng mga opisyal ng pamahalaan, kawani ng munisipyo, mga lider ng barangay, at mamamayan ng Los Baños bandang 6:00 AM sa Immaculate Conception Parish na sinundan ng isang makulay na 7:00 AM Procession patungong CPP Memorial Stadium and Evacuation Center.
Ang pananalangin at pag-aalay ng pasasalamat sa panibangong taon ng Bañamos Festival ay isang simbolo ng pagkakaisa at pananampalataya ng bawat Los Bañense.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
