MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Week of September)
Published date: Sep 15, 2025
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Week of September)

Isinagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Setyembre 15, 2025 (Lunes) sa Municipal Activity Area. Pinangunahan ng Municipal Tourism Office ang programa at ibinahagi ni Tourism Officer Edmarie Z. Calungsod ang mga naging accomplishments ng kanilang tanggapan at ang masusing paghahanda para sa pagsisimula ng limang (5) araw na pagdiriwang ng 24th Bañamos Festival ngayong linggo, na inaasahang magbibigay ng kasayahan at pagkakaisa sa buong komunidad.

Dumalo at nagbigay suporta sina Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at Hon. Jay A. Rolusta.

Isang paalala na ang bawat pagtataas ng ating pambansang watawat ay hindi lamang tradisyon, kundi isang simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.

Hudyat rin ang seremonyang ito ng masiglang pagsisimula ng linggo at ng mainit na pagsalubong sa makulay na Bañamos Festival 2025. 

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#24thBañamosFestival

#BañamosFestival2025

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 1376 Total Views

Related:


;