Memorandum of Agreement (MOA) Signing between MGLB and DRRM partners (September 10, 2025)
Matagumpay na isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng Municipal Government of Los Baños na pinamumunuan ni Mayor Neil Andrew Nocon at mga katuwang na volunteers at organisasyon mula sa iba’t ibang sektor nitong Setyembre 10, 2025 sa Municipal Multipurpose Hall.
Layunin ng kasunduang ito na palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor para sa mas mabilis at mas organisadong pagtugon sa panahon ng sakuna at kalamidad, alinsunod sa DRRM Act of 2010 (RA 10121).
Kasama sa mga pumirma at nakibahagi ang iba’t ibang grupo at indibidwal mula sa: Association of Municipal Employees of Los Baños-Laguna, Inc. (AMELBA), Los Baños Safety and Emergency Team, Philippine Red Cross, United Kabalikat Civicom, Urocom, 2427 Grocers, Los Baños Employees Multi-Purpose Cooperative (LOBEMCO), 5M’s Event Catering Services, at JP Merchandising.
Isang patunay ito na ang bayan ng Los Baños ay hindi lamang nakatuon sa pagpapaunlad ng ekonomiya at serbisyong panlipunan, kundi higit sa lahat ay sa pagtitiyak ng kaligtasan at kahandaan ng bawat pamilyang Los Bañense.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
