Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Week of September)
Isinagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat sa bayan ng Los Baños nitong ikalawang Lunes ng Setyembre 2025 sa pangunguna ng Sangguniang Barangay ng Mayondon. Sa seremonyang ito ay ibinahagi ni Punong Barangay Rommel E. Maningas ang mahahalagang programa ng kanilang barangay na naglalayong higit pang paunlarin ang komunidad ng Mayondon. Dumalo rin at nagbigay ng kanilang pagbati at mensahe sina Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, kasama ang butihing Provincial Board Members ng 2nd District ng Laguna na sina Hon. Tutti Caringal at Hon. Ninoy Bagnes na nagpaabot ng kanilang pasasalamat at buong pusong pagsuporta sa mga takbuhin ng bayan ng Los Baños.
Nakiisa rin ang buong Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kasama sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S., Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta, gayundin sina ABC President Gaudencio Macatangay at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega.
Bilang tampok ng programa, opisyal na ipinakilala sa publiko ang mga kandidato ng Mister and Miss Los Baños 2025 na kumakatawan sa kagandahan, talino, at talento ng kabataang Los Bañense. Ang pormal na paggawad ng parangal sa mga kandidato ay nakatakdang ganapin sa darating na Setyembre 18, 2025 sa Multipurpose Evacuation Center biglang bahagi ng 24th Bañamos Festival.
Ang seremonya ay nagsilbing hindi lamang simpleng pagtataas ng watawat, kundi isa ring pagkakataon upang ipakita ang aktibong pagkakaisa ng mga opisyal at mamamayan ng Los Baños sa adhikaing patuloy na isulong ang kaayusan at higit na kaunlaran sa bayan ng Los Baños.
#WeeklyFlagRaisingCeremony
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
