Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI) and Cybersecurity Awareness at the Municipality of Los Baños (September 5, 2025)
Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon at ng Tanggapan ng Information and Communication System Office (ICSO) sa pamumuno ni Mr. Antonio Adille, ay buong pusong sumuporta sa isinagawang pagsasanay at oryentasyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Pinangunahan ito ng mga tagapagsalita mula sa DICT Region 4A (Laguna) na sina Planning Assistant Gng. Ruth Antonnette Mores, at Project Development Officer I G. Bryan Zeos Basco, na ginanap ngayong ika-5 ng Setyembre 2025 (Biyernes).
Tinalakay sa naturang aktibidad ang mahahalagang impormasyon ukol sa Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI) at Cybersecurity Awareness, na may layuning palakasin ang kaalaman at kakayahan ng bawat kinatawan mula sa iba’t ibang yunit at departamento ng ating munisipyo.
Ang pagsasanay na ito ay nagsilbing daan upang higit na maunawaan ng mga kawani ang tamang paggamit ng mga digital certificate, mga online security transactions, at iba pang pinakamahusay na kasanayan sa pagpapanatiling ligtas ng mahahalagang datos laban sa mga banta sa cyberspace. Isa rin ito sa mga konkretong hakbang ng pamahalaan tungo sa pagpapatibay ng integridad ng ICT operations ng ating lokal na pamahalaan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
