MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: Isang tawag ang natanggap ng ating Municipal Action Center ganap na ika-4:45 kahapon, May 1, 2021, na may isang bangkang tumaob sa may Talim Island na may lulang 7 katao na residente ng Los Baños.
Published date: May 3, 2021
TINGNAN: Isang tawag ang natanggap ng ating Municipal Action Center ganap na ika-4:45 kahapon, May 1, 2021, na may isang bangkang tumaob sa may Talim Island na may lulang 7 katao na residente ng Los Baños.

Isang tawag ang natanggap ng ating Municipal Action Center ganap na ika-4:45 kahapon, May 1, 2021, na may isang bangkang tumaob sa may Talim Island na may lulang 7 katao na residente ng Los Baños.

Sa pangunguna ng ating punumbayan, Kuya Tony Kalaw at sa pakikipagtulunganp ng Brgy. Bayog, Brgy. Timugan, FARMC Los Baños, BFP at MDRRMO ay agad na nagbuo ng Team para magsagawa ng Search and Rescue Operation.

Dahil sa lakas ng hangin at alon kagabi ay nirekomenda ng Philippine Coast Guard na ipagpaliban na muna ang paghahanap sa mga biktima.

Mayo 2, 2021, ganap na ika- 5 ng umaga ay agad na nagsagawa muli ng Search, Rescue and Retrieval Operation ang grupo.

Bandang 6:34 ng umaga ay nakuha ang labi ng una sa tatlong biktimang nasawi sa pagkalunod malapit sa pinaglubugan ng bangka. Samantalang 7:15 ng umaga sumunod na na-retrieve ang katawan ng pangalawang biktima at 7:30 nang mahanap ang huling nasawing biktima. Lahat ng tatlong biktimang wala nang buhay ay nadala sa pampang sa bayan ng Los Baños bandang 8:40.

Apat sa pitong mga biktima ng tumaob na bangka ang nauna nang natulungan at nakaligtas, at sila ang humingi ng tulong upang hanapin ang tatlong di pinalad na makaligtas.

Taos-pusong pasasalamat ang ipina-aabot ng Pamahalaang Bayan sa lahat nang tumulong para maging matagumpay ang nasabing operasyon.

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay nakikiramay sa mga pamilya ng naulila. Inatasan na ni Mayor Kalaw ang ating MSWDO, Ms. Hanna Erika Laviña na makipag-ugnayan sa punerarya upang matulungan ang mga pamilya ng mga nasawi.

 111 Total Views

Related: