Linggo ng Kabataan 2025 Junior Officials Proclamation and Lakbay Los Baños Heritage Walk (September 3, 2025)
Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pakikipagtulungan ng Local Youth and Development Office (LYDO), Sangguniang Kabataan (SK), at Sangguniang Bayan (SB) ay pormal na kinilala ang mga nahalal na Junior Officials nitong Setyembre 3, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Multi-Purpose Hall bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2025 na may temang “Local Youth Actions for the SDGs and Beyond.”
Isinagawa rin ang Los Baños Heritage Walk na nilahukan ng mga hinirang na kabataan mula sa iba’t ibang paaralan. Sa nasabing paglalakbay, tinahak nila ang mahahalagang pook at makasaysayang pasyalan ng bayan na nag-ambag sa pagkakakilanlan ng komunidad. Ibinahagi rin ang mga kwento ng nakaraan mula sa mayamang kasaysayan ng bayan bilang sentro ng edukasyon at agham, hanggang sa mga natatanging ambag ng mga mamamayan sa kultura at sining.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay nabigyan ang mga kabataan ng pagkakataong maranasan ang pamumuno at serbisyo publiko, habang kinikilala at pinapahalagahan ang yaman ng kasaysayan at kultura ng bayan. Ito rin ay naghubog ng kanilang kakayahan at pinalalim ang kanilang kamalayan upang maging matatag na haligi ng pamayanan at tagapaghatid ng makabuluhang pagbabago sa kinabukasan ng Los Baños. Higit pa sa isang pagdiriwang ng tagumpay, ito ay nagsisilbing paalala at panawagan sa kabataan ngayon na manguna nang may malasakit, maglingkod nang tapat, at maging inspirasyon sa lahat.
Isang mainit na pagbati sa mga bagong halal na Junior Municipal Mayor, Junior Vice Mayor, mga Junior Sangguniang Bayan members, at mga itinalagang Junior Department at Unit Heads! Nawa’y magsilbi kayong huwaran ng sipag, galing, at malasakit para sa mga susunod na henerasyon ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
