MENU
Philippine Standard Time:
Civil Society Organization (CSO) Selection Meeting at Los Baños(September 2, 2025)
Published date: Sep 2, 2025
Civil Society Organization (CSO) Selection Meeting at Los Baños(September 2, 2025)

CSO SELECTION MEETING SA BAYAN NG LOS BAÑOS 

Isinagawa nitong Setyembre 2, 2025 (Martes) sa Municipal Multipurpose Hall ang Civil Society Organization (CSO) Selection Meeting sa bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Neil Andrew Nocon katuwang ang Sangguniang Bayan.

Dumalo sa pagpupulong sina MLGOO Michiko Escalante, CSO Desk Officer Christian Rey Bocala, Planning Officer III Lou Andie Reyes, mga kinatawan mula sa UPLB na sina For. Francis Emmanuelle Florece at For. Gary Oca, mga empleyado ng Munisipyo, at mga kinatawan mula sa 44 na Accredited CSO Organizations. Layunin ng pagtitipon na mapag-usapan ng CSO ang iba’t ibang lokal na konseho tulad ng Local Development Council, Local Health Board, Local School Board at Peace and Order Council. Nagkaroon din ng orientation ukol sa tungkulin ng mga accredited CSOs, gayundin ng consultation hinggil sa pagbubuo ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng bayan ng Los Baños.

Ang matagumpay na pagpupulong na ito ay patunay ng masiglang partisipasyon ng mga CSO sa pamahalaang lokal, na naglalayong higit pang mapaunlad ang serbisyo publiko at ang pagpaplano para sa mas inklusibo, tapat, at mas aktibong pamamahala sa Bayan ng Los Baños.

#CSOselectionMeeting

#LosBañosPeoplesCouncil

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 2318 Total Views

Related:


;