MENU
Philippine Standard Time:
Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Payout (Batch 2) in Los Baños (August 27, 2025)
Published date: Aug 28, 2025
Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Payout (Batch 2) in Los Baños (August 27, 2025)

Ginanap ang ikalawang batch ng pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Agosto 27, 2025 (Miyerkules) sa bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon.

Ang AKAP payout na muling ginanap sa Los Baños Multipurpose Evacuation Center ay naglayong magbigay ng pampinansyal na tulong sa mga pamilyang kapos ang kita at higit na nangangailangan. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng dagdag na suporta ang ating mga kababayan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan mula sa pagkain at edukasyon hanggang sa pangkalusugan.

Mahigit 1,000 benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Los Baños ang tumanggap ng ayuda. Naging posible ito sa tulong at pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mga kawani ng Pamahalaang Bayan, at iba pang katuwang na ahensya. Lubos namang nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa ibinigay na tulong na nakapagpagaan sa bigat ng kanilang mga gastusin.

Ang AKAP payout sa Los Baños ay isang halimbawa na kapag nagkakaisa ang Pamahalaan at mamamayan, nagiging posible ang mas matibay, mas inklusibo, at mas maunlad na komunidad.

#AKAPpayout

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 5194 Total Views

Related:


;